Cardboard cutout life...made simple. Machine wash only. Do not dry clean. Use lukewarm water. Do not iron print. Boil for two minutes. Simmer. Enjoy.

Tuesday, March 15, 2005

Bitag

Words/Music : Mardk

Nagbababad sa dilim
Nalulunod sa lihim
Alaala sa kahon
Inaagnas ng kahapon

Tagos buto ang lamig
Mga yabag sa sahig
Dito muna ako
Magtatago sa mundo

Gumugulo
Ginugulo
Nasan na?
Nasan na?
Ang pangarap ko?

Tumutulay sa makitid
at mapanganib mong isip
Pag-ibig na tinago
Bumutas sa puso

Gumugulo
Ginugulo
Nasan na?
Nasan na?
Ang pangarap ko?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home