Saan
words/music by : mardk
Saan nanggagaling
Ang panaginip
Tuwing ika'y maiidlip
Saan napupunta
Ang alala
Tuwing ika'y mawawala
Saan hahanapin
Ang ngiting di napapawi
Sa langit lang ba?
Sa langit lang ba?
Saan dumadaloy
Luhang umaagos
Di na yata mauubos
Saan dumadapo
Isip na lumilipad
Nasan na nga ba ako?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home